< Masayang Saging: Uw na lang ako

Monday, July 07, 2008

Uw na lang ako

Re posting from a fil-am forum that I am member:

Si Danilo "Dan" Torres, isang Bicolano, ay nagpunta sa US at nag TNT.

Pumasok siya ng convenience store para bumili ng yosi. Pagdating sa counter, sabi ng cashier, "MASTER? VISA?"

Namutla si Dan! Sa isip-isip nya "Patay! Hinahanap ang visa ko!" Dali-daling lumabas ng tindahan, sumakay ng kotse at humarurot ng takbo.

Paubos nang gasolina niya kaya pumasok sa gas station at magpapakarga ng gasolina. "Unleaded?" tanong ng gasoline attendant. "Unleaded," sagot ni Dan.

"Pay first," sabi ng attendant. Lalong namutla si Dan! "Patay! Hinahanapan ako ng papers!"

Iniwan nya ang kotse at dali-daling naglakad papunta sa phone booth upang tawagan ang kapatid nya sa New York.

"AT&T May I help you?" sagot ng operator. Pinagpawisan ng malamig si Dan! "Pati operator alam na TNT ako!"

May nakapilang pulis na gagamit din ng telepono at tanong sa kanya, "Are you done?" Napatitig na lang si Dan sa pulis! "Kilala niya ako? Alam niyang DAN ang pangalan ko!" sa isip-isip nya.

Nang di makasagot si Dan, tinanong uli siya ng pulis, "Are you a tourist?" Nanghina si Dan - pati apelyido niyang Torres ay alam din ng pulis!

Nang hihimatayin na siya, inalalayan siya ng pulis at sabi, "Be cool!" "Inang ko po! Alam din niyang taga Bicol ako! WAAHHH! Uuwi na lang ako sa Pinas!"

Moral op da istori: Wag ka na lang mag TNT sa Istets!
laugh.gif

0 Comments:

Post a Comment

<< Home